Karuwagan
Paano
ba dapat sukatin ang katapangan?
Sa
tibay na humarap sa giyera,
Sa
walang takot na hamunin ang kaaway,
O
sa pagpaparaya kahit na nasasaktan?
Paano
nga kaya nasusukat ang katapangan?
Sa
pamamagitan ng dumadaloy na dugo,
Sa
hindi paaawat at pasusupil na prinsipyo,
O
sa pagtanggap sa sariling kahinaan?
Nakadaragdag
ba sa iyong katapangan,
Ang
kahinaan ng iba?
Nakababawas
ba sa iyong katapangan,
Ang
kalakasan ng isa?
Di
lahat ng may baril, o may hawak na sundang,
Ay
maituturing na matapang.
Sadyang
may mga katapangang paimbabaw lamang,
Para
maikubli ang sariling karuwagan.
***
Ang tulang ito ay kabilang sa aking antolohiya na "Isampal mo sa Makata". Pansamantala, maaaring mabasa ang iba pang mga tula dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento