Kwento ni Manyak

Kwento ni Manyak

Matagal ko na siyang pinagpapantasyahan. Ang mahahaba niyang buhok na napakasarap hawakan at amuyin. Ang mga singkit at malamlam niyang matang nang-aakit sa akin. Ang manipis niyang labing ang sarap halikan. Ang  nakakapaglaway niyang kaseksihan.
Hindi ko maipaliwanag ang aking saya nang maisakay ko siya sa aking tricycle ngayong gabi. Pakiramdam ko’y napakasuwerte ko na dahil sa wakas ay nagawa ko na rin siyang malapitan. At, talagang sa likuran ko pa siya umupo!
Pagkakataon ko nang 'MAKADAMUBS' sa kanya!
Pinaharurot ko ang tricycle at biglaan ko ring preno. Hindi ko na nga napansin ang pagmumura ng ibang mga pasahero dahil sa sarap na naramdaman ko. Napayapos siya sa akin nang mahigpit at ramdam ko ang pagtayo ni JUNIOR dahil doon. "Ayos ka lang ba?"
Isang ngiti lang ang isinagot niya. Putsa! Ang ganda niya! NAKAKA-L!
Namalayan kong kaming dalawa na lang ang natira sa tricycle. Halos tumalon pa 'yong puso ko nang bigla siyang magsalita. "Koyah, puwede mo bang itigil muna? I need to go to comfort room e. Saka puwede mo ba akong samahan, madilim kasi e."
Siyempre hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Papasok pa lang sana siya ng cubicle nang hilahin ko na siya sa madilim na bahagi. Sinunggaban ko na agad siya ng halik at hindi na siya pumalag pa. Gusto niya rin siguro ang ginagawa ko sa kanya.
Shit! Ito na 'yon! Hindi na ako makahintay kaya—
DINAKMA KO NA!
"Shit!"
Napamura talaga ako. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat. Tapos siya naman, ang tamis pa rin ng ngiti sa mga ginawa ko. Hindi ako nakaandam at siya naman ang dumagan sa akin. Napasigaw na lang ako.
 “Tulong! May itlog ang puta!”

***

Ang Kuwentong Dagli (Flash Fiction) na ito ay una kong nailathala sa Wattpad, sa antolohiyang: Immortal Words: Flash Fictions. Pansamantala, maaaring basahin ang ibang dagli dito.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Naka-feature na Post

Ang Magtutuyo

Ang Magtutuyo “Sa lahat ng mga nakakasalamuha natin sa lansangan, mayroon pa nga bang natitirang mapagkakatiwalaan? Saan ba nas...